ADMISSION IN PUBLIC HOSPITAL
Share ko lang yung na-experience ko sa isang public hospital. Pumayag ako na i-admit baby ko sa hospital na to kase sabi ng kakilala namin maganda daw services dito pero napatunayan kong hindi. Pagpasenyahan nyo na kung medyo magulo, Medyo hindi pa din kase ako nakakabawi ng tulog.
Halos ilang araw na nagsusuka at poops baby ko after nya mag-antibiotic dahil ginamot namin yung mild pneumonia nya. Clear na yung lungs nya pero yung poops and pagsusuka nya continuous pa rin kaya tumakbo agad kami ng ER. Dun nalaman na may acute Gastroenteritis si baby at may moderate dehydration na rin pala. (actually, hindi ko to malalaman kung di ako magtatanong sa doctor kung ano findings sa baby ko, una pa lang to ha)
Kaya ayon, naadmit sya at ako ang kasama nya during that time kase may policy sila na ISA LANG DAPAT ANG BANTAY BAWAL PALITAN so okay lang sakin kase ako naman laging kasama ng anak ko.
Syempre may mga test na ginawa sa kanya CBC, fecalysis and XRAY so okay lang din sakin. Naghintay ako nang naghintay nang naghintay for the results kase gusto kong malaman kung ano nangyari sa anak ko bat sya nagsusuka at dumi pero walang sinasabi sakin na results. Yun pala wala silang balak ata sabihin yan DAHIL KAILANGAN KO PA MANGULIT FOR THE RESULTS?!! mind you, same day lang pala yan ilalabas pero ilang araw na bago ko nalaman ha. Okay lang, naiintindihan ko na madaming pasyente, tao sila, napapagod, nauubusan ng pasensya— ganon at normal din naman mga findings sa kanya kaya medyo kalmado pa ko neto.
Until lumala yung lagay ng anak ko to the point na di na sya makahinga nang maayos at need na nya magoxygen. Lahat ng sinabi sakin ng nurse at doctor at ginawa ko, Every detail ng kalagayan nya sinasabi ko sa kanila. Awang awa ko sa anak ko kase 2 days na kameng nasa ospital pero parang walang nangyayari, mas lumala pa sya, walang nag iinform sakin kung ano nangyayari, ano dapat gawin ko. Literal na hindi ako natutulog during that days ayoko mawala sa paningin ko yung anak ko.
PERO ETO TALAGA YUNG PINAKA-HIGHLIGHT
Hindi hindi ko to makakalimutan. Nung pang apat na araw na namin, naging okay na yung anak ko, actually pwede na kame umuwi that time kase di na sya nagdudumi at suka— very active na din. 7:00am dinalaw kame ng head pediatrician (not sure dito) para icheck yung anak ko at magtanong tanong. Nagtanong sya if nagpoop pa si baby sabi ko hindi na kase hindi na naman talaga, not until 8:30am nagpoops na naman sya ng sunod sunod pero di na watery kaya nag-inform ako sa mga nurses, baka kase magworsen na naman yung condition nya and magbigay ulit sila ng gamot.
I thought everything is okay na, not until may isang nurse na pumasok sa room namin (6 babies and 6 mothers sa isang room to ha at walang aircon, imagine! sabi nila kaya daw magkasya sa isang crib yung apat na baby if ever!?) to check our iv, nung nakarating sya sakin nagtanong sya ng “Nagpoop pa ba yan ulit?” eh that time hindi na naman kaya sumagot ako ng hindi na po, pero nagulat ako sa sagot nya sakin eh, ang sabi nya “EDI MAGANDA, NANGGIGIGIL AKO SAYO EH” I was so shocked that time. bumawi na lang sya sa “joke lang po ha” so I brushed it off. Not until nagrounds na naman yung Head Pediatrician. Dito na nagsimula yung trauma ko.
Sinigaw sigawan ako ng doctor kase iba iba daw sinasabi ko sa kanila, Ang daming tao nun at lahat nakatingin sakin. yung baby ko tulog. Alam kong mali din ako kase sabi ko 6am nagpoop ulit si baby eh 7am nya nga pala nya ko tinanong. imbes na 8am nasabi ko eh, 6am. I know mali ako sa part na yun, wala na din kase akong tulog at super restless na ng katawan ko. I was about to say sorry pero tuloy tuloy lang sya sa pagsigaw sakin para bang sobrang sinungaling ko at ginugulo ko sila, I was humiliated, I felt so small that time. Nanginginig yung buong katawan ko at nagpipigil ako ng iyak kase baka magising yung anak kong walang kamalay malay sa nangyayari. Dun ko lang narealize yung sinabi sakin ng nurse na nakakagigil ako. Di ko alam na may nagawa na pala kong mali— I don’t know kase diba di naman sila nag iinform?!
Sorry kung mahaba. Gusto ko lang to ilabas kase ayoko na magkwento ng mahaba sa mga in-laws ko kase sasabihin nila “Natural lang yan kase nasa public ka” kase dapat hindi naman to ninonormalize. Pagod na pagod na ko sa gantong sistema eh.
Posted Mar 5, 2026, 4:45 PM UTC