I will miss you

Almost/TOTGA

Sobrang unexpected ng pagtatagpo natin, actually lagi na nga kitang napapansin noon tuwing magkakadaanan tayo. Nag papacute pa nga ako sayo non kahit hindi man tayo magkakilala haha, sabi ko noon sa sarili ko out of my league kita, pero alam mo lagi ko na din napapansin na nakatingin ka sakin parang may gut feeling na nga ako eh haha. Then ano noong November may nagsabi na may nagkakagusto sakin at tama nga yung kutob ko na Ikaw yon.

Alam mo hindi ako makapaniwala na Ikaw pa talaga sobra sobra akong nagpapasalamat sa lahat. Sa bawat pag tawag, pag pansin mo sakin at yung unang beses na niyaya mo ako mag smoke haha iba ka talaga Nette! hindi mo alam na sobrang halaga non para sa akin Sobra akong naiiyak knowing na magreresign ka na. Wala na ako aabangan sa smoking area :( dahil sa mga nangyayari balak ko na din umalis dahil hindi ko kakayanin. Sobrang mamimiss kita, hindi ko man to ma send sayo kase we don't chat naman and I feel na I have nothing to offer sayo pero you still believe kung sino ako :( sobra sobra kitang mamimiss. Hindi ko kakayanin pero dahil nagtiwala ka I will do my best.

Hindi man sa ngayon Nette, pero malay mo sa mga susunod na taon magkita tayo ulit at sana I'm the best version of myself na yung kaya na kitang titigan HAHAHA, again I'm really sorry sa lahat and thank you!!! March 20 aalis ka na at birthday mo na sa March 21 :( I will really miss you a lot. I will be a better man for you. Hanggang sa muli!!! ang dami ko pang gusto sabihin pero hanggang dito na lang muna.

  • E

Posted Mar 5, 2026, 7:56 PM UTC

61
Loading comments…