Need help please
Story Time (Whoever reads this and provides any feedback or advice is highly appreciated)
We've been using Sky Internet since 2013. We availed there promo back then which only costs 999 for around 10 Mbps which was a good deal para samin that time. We live around Parañaque so hindi naman ganun kahirap makabitan ng internet sa bahay. Everything was great, internet was good, average at times but still usuable for our family's usage. Note this, we always pay on time and never have disputes with them. We rarely have problems with them. But those rare moments are extremely unsatisfactory and questionable when it comes to their service. Everytime a system issue happens, I can understand. But when it's an issue from our own wifi/router, it takes too damn long to get fix. It was bearable at first, happens like once or twice a year only. It sometimes doesn't happen at all in a year.
Pero dito ako nasasagad sa kanila ngayon. Apparently, Sky and Converge are now merging into one.
Feb 3, nawalan kami ng internet. I knew di siya system issue kase isang light lang naka on at blinking ung pangalawa while everything else was off. I thought, baka system issue lang.
Feb 5, tumawag na ako sa Sky Customer Service. As usual, need to wait 15-20 minutes bago ka may makausap. After that, as usual, gagawan daw ng ticket. Lumipas ang isang linggo, walang pumunta. So I called again.
Feb 11, nag visit sila at wala ako sa bahay. Only my mother was at home because I was at work. Sabi nila "need palitan yung router" which was confusing kase last year pinalitan na nila yun. So sabi ko sige go na. After another week wala na ulit paramdam.
Feb 15, tumawag ulit ako. Ieescalate na daw.
Feb 21, pumunta sila ulit sa bahay at wala padin ako due to work. Good thing my father was there. Naginspection ulit at sabi need na daw iupgrade into fiber. KASO, wala na daw slot available samin. I got extremely mad this time kase paanong wala nang slot. Knowing my father who is extremely kind, he did not question it and let them go. Tapos wala man lang resolution na iniwan, so ano aantay nalang kami kung kelan kayo babalik?
March 2, tumawag ulit ako sa customer service para ireport yung so called technician nagsabing wala na daw slot. I remained calm kahit na gusto ko na magalit sa kausap ko(alam ko naman na di nila kasalanan yun). After that call pinaescalate daw nila lalo ung ticket namin. Ending may nagvisit ulit. Sabi niya padin wala na daw slot sa black box nila. Need daw magkabit ng bago.
March 3, may technician na nagkabit ng wifi dun sa black box na tinutukoy nung technician na nagsabi na wala na daw slot. Tawagin nalang natin siyang Tech2. Si Tech2 nilapitan ko at kinausap ko. Mukang mabait naman at mapagkakatiwalaan. Sinabi niya sakin na pano daw walang slot eh meron pa daw isa dun na bakante, may nakakabit lang para magmukang may nakaslot na pero wala daw talaga. Aba kumulo na yung dugo ko nung narinig ko yun.
March 5, nagvisit nanaman ung technician na nagsabing wala nang slot. Diniretso ko na siya, kase may pictures nadin kami dun sa slot na bakante pa eh. Bigla siyang nautal at di alam ano sasabihin. Sinabi niya nalang na wait lang, tatawagin nalang daw kami ulit. Ending, di daw nila pede kabitan un ng araw na yun kase pag nagka aberya, sila daw magbabayad. So reschedule ulit. Reschedule daw ng March 6. Papadala na daw nila ung may gamit para makabitan
March 6 na, walang nagtetext, walang tumatawag, wala nanamang paramdam.
Anong maipapayo niyo sa sitwasyon namin ngayon? Ayaw sana naming mag palit ng service provider at baka kaya pa namang ayusin pero parang pinagloloko nalang kami eh. Open for any feedback or advise.
Posted Mar 6, 2026, 4:08 AM UTC