I think law school will save my life

Rant

Simula bata wala talaga ako disiplina gusto ko lagi shortcut ayoko mahirapan. Pero bata pa din ako gusto ko na maging abogado. Yun siguro dahilan kaya gumaling ako mag english, kasi ganon daw pag abogado. Sobrang lala ko hanggang college, na delay pa ako sa dami ng FA. Pero kahit kailan hindi nawala yung pangarap ko. Ngayon 2L na ako ramdam ko yung sarili ko nagbabago. Wala akong choice kundi tanggapin yung hirap kasi pangarap ko to. Akala ko pa eventually aayawan ko din to tulad nung mga nababasa ko pero kabaliktaran yung nangyayari. Na eexcite ako. Ramdam ko yung laki ng potential ko na masasayang kung hindi ako matututo ng disiplina. Disiplina ang tinuturo saken ng law school, kasi imposibleng umayaw ako dito kaya wala ako choice kundi maging disiplinado. At tingin ko ililigtas neto buhay ko sa kinabukasang hindi ko gusto.

Posted Mar 6, 2026, 3:47 PM UTC

569
Loading comments…