Crush ko na yata workmate ko. Sana siya rin crush ako

Light Topic

we are new sa company. nauna lang ako ng 2 weeks sa kanya pero almost magkabatch kami. parehas din kaming referral ng common friend namin.

at first, di ko siya masyado napapansin. di ko siya gusto talaga. hanggang sa nagkaroon kami ng time magwork together nung january. 3 days kaming magkasama sa office (wfh kasi kami talaga). yung first day, sabay kami nag lunch ng mga kateam namin. ung second day, nag client visit kami. ung third day, nagkita lng kami unexpectedly sa office dahil may kailangan kami kunin. nitong third day na to, tumabi siya sa area ko. pabalik balik siya para makipagkwentuhan hanggang sa umupo na sya totally for the rest of the day. tamang work and kwento lang kami tapos nag follow siya sakin sa ig. since then, everyday kami magkausap sa ig walang palya. like everydayyy. pero hindi oras oras to ha. basta lagi kaming may interaction sa ig. kung di man kami sa ig, minsan nagchachat randomly sa teams.

nung valentines, he was the only guy who greeted me HVD. kinilig ako kasi may pa heart and rose emoji pa. may time pa na inaupdate nya ako. everyday kami nakakapagusap pero di yun tuloy tuloy. lagi niya pinuputol. tas minsan magsesend sya ng reels or kaya mga ig posts na funny. idk. ako i know na crush ko talaga siya huhu.

should i try my luck na ba? Haha. kaso kasi ang awkward if ireject nya ako at baka friendly lng kasi talaga siya? tho ako lng finafollow nyang girl workmate nya sa company namin and ayempre ung common friend namin. haha!

Posted Mar 6, 2026, 3:54 PM UTC

75
Loading comments…