30 | PC | Valorant
Hello mga tita at tito gamers na kaedaran ko or kahit sa mga magiging tito at tita palang. Looking for a duo, trio, or kahit 5-man sa Valorant. Pwede for today lang or kung maging constant squad or duo, game din ako. Mostly Valorant nilalaro ko pero I'm also down to play other games or Steam games basta sasamahan niyoko maglaro.
Rank ko? Flexible. Bronze hanggang Diamond pwede pero hindi dahil magaling ako, sadyang may iba’t ibang accounts ako na pwede gamitin depende kung gusto niyo ng chill games, tryhard games, or character development.
Kung may marerecommend din kayong server na buhay pa yung mga tao sa ganitong oras hanggang madaling araw, paampon naman. Karamihan kasi ng nasalihan kong gaming servers pang umaga or hapon yung active, which is oras na tulog ako or nagwowork.
Bonus features:
- Hindi toxic (maliban sa aim ko minsan)
- Marunong mag-comms
- Kayang tumawa kahit 0/7 na sa round 5
- DM niyo lang IGN or Discord niyo para magconnect us. Kahit icomment niyo kung trip niyo
Thanks!
Posted Mar 6, 2026, 5:30 PM UTC