To my almost

Friend

Dear You,

Ang weird no? Yung comfort natin sa isa’t isa parang since birth na tayong magkakilala HAHAHA. Nandito ka ba?

In case you didn’t know, mula noong pumasa ako sa BE kasama ka na lagi sa prayers ko. I pray for your comfort and peace, lalo na sa line of work mo. Hindi ko direktang hinihiling na ikaw mismo, pero kung may ibibigay Siya na partner sa akin, sana isang kagaya mo.

Alam mo? Never kong naintindihan paano ba duty niyo. Hindi rin naman ako nagtanong. Pero sana okay ka lang ngayon. Nabo-bother ako doon sa sinabi mo noong nakaraan, na parang gusto mo na lang maglaho sa mundo. Tinatanong kita lagi kung ayos ka lang ba lagi mo lang din akong tinatawanan.

Hindi mo ba alam? Inaabangan ko lagi yung tawag mo. Anong akala mo ikaw lang willing masira battery health ng phone para sa sleep call? joke. Pero nitong mga nakaraang araw dumadalang na calls at messages mo. I really don’t know kung anong nangyayari sayo ngayon. Okay ka lang ba? Nasa hospital ka na naman ba? Busy ka lang ba talaga dahil sa work mo? Or may bago na?

Ang bigat ng feeling. Gusto ko na magpaalam sayo kasi natatakot ako na kung ipagpapatuloy pa natin ito, baka mahulog ako ng tuluyan. Alam ko na hindi ka pa ready sa isang commitment hindi ko alam kung dahil ba sa family, or sa career. Or dahil puro “ayaw ko” ang nakukuha mo sakin tuwing nagvovolunteer kang maging jowa ko.

Gusto ko na magpaalam sayo. Gusto kong sabihin na ayaw ko na, na hindj na ako ang magiging kasama mo sa pagtupad ng mga pangarap mo. Weird din talaga kasi parang ikaw ang pinadala para i-remind ako na dapat kong tuparin yung childhood dream ko. Hinihiling ko na sana isa sa mga araw na ito mabigyan ako ng tapang para lumayo sayo.

  • K

Posted Mar 8, 2026, 1:25 PM UTC

41
Loading comments…