Nag trespass yung adik naming kamag anak

NSFWLegal

Problem/Goal: Nag trespass yung adik naming kamag anak sa bahay; pina brgy siya ng lolo ko tapos ngayon nagbabanta na babalikan niya sila once makalaya siya.

TW: Threats of Violence, Substance Abuse

Context: Nag trespass yung kamag anak naming adik sa bahay last January, bigla nalang siya sumulpot sa bakuran tapos nanghihingi ng tulong na kesyo may papatay daw sa kanya. Pina brgy siya ng lolo ko due to panic. Nung kinukuha na siya ng brgy, binantaan niya yung lolo ko na babalik daw siya sa bahay once makalaya siya. Just last week, nag message siya sa tita ko “antayin niyo na makalabas at makalaya ako ulit”. Sinabi ko sa lolo ko na ipa blotter siya pero ayaw niya raw dahil naaawa siya sa mga anak niya.

Hindi ako makatulog sa takot para sa kanila. Pwede ba akong mag file ng police/brgy blotter on behalf of my lolo? Nasa dorm ako tapos silang dalawa lang ng lola ko ang nandun sa bahay :( Wala rin kaming ibang kamag anak na pwede sumama sa kanila.

Posted Mar 8, 2026, 1:26 PM UTC

25
Loading comments…