Pagod na ko mag-give way, ayoko na

Friend

Nakakapuno din pala pag lagi kang nagpaparaya sa friends mo.

For context, I have these friends whom I have known for quite a long time already. Just like in every friend group, iba iba ang personality. I'm the type na go with the flow sa kung anong trip ng tropa as long as may consensus.

Just recently, we traveled together and that's where everything went downhill. Matagal na pinlano yung travel para ma-satisfy yung mga gustong gawin/puntahan ng isa't isa. It was clearly communicated din naman na as much as possible, we will satisfy each other's wishlist para masulit yung travel. But in the middle of our trip (this is a 1 week trip btw), one of them said na satisfied na sila sa mga napuntahan and the other one agreed also, and they suggested na mag kanya kanya na. Sobrang nairita ko kasi biglang naiba yung plano, ni isa dun sa wishlist ko is wala pang napupuntahan. Mga inuna kasi namin is yung gusto nila. Napagod ako ng kakasunod sa mga gusto nilang puntahan but when it was supposedly my turn, nagsuggest sila na kahit ako nalang daw mag isa pumunta since satisfied na sila sa mga napuntahan namin and di nila ganung bet yung gusto kong puntahan. Mas bet nalang daw nilang mag shopping and cafe hopping around the area. Napikon ako ng sobra so sinabihan ko silang ang ayos ng usapan tapos biglang magbabago. Ang sagot lang sakin is di na daw nila bet mag-ikot pa. I got so disappointed na hindi ko na sila halos pinansin during the rest of the trip. Nung nasatisfy na kasi yung gusto nila, biglang drop na yung the rest ng plano without even taking me into consideration. I admit naman na mali mag-attitude but napuno nalang talaga ko ng sobra kasi parang ang naging purpose ko lang during the trip is maging P.A. nila. Ako na nga navigator, ako pa naging tagabitbit ng extra gamit nila. Andyang naging tagabitbit ako ng extra camera since nagdecide yung isa na magdala ng multiple cameras. (I know it's for the 'gram pero for me it's OA na maubos yung 2hrs namin sa isang napakalaking attraction without being able to explore it dahil sa kakapicture.)

This may be quite petty for some but I felt like ang tone-deaf lang nila. Gusto nilang laging nasusunod and when it is supposedly other people's turn, gusto nila yung trip parin nila masusunod and biglang aayaw nalang sila if di nila bet. Ganun ba kahirap mag give and take? I gave my best effort para lang masatisfy lagi yung gusto nila but they can't even do the bare minimum to reciprocate it.

Posted Mar 8, 2026, 5:58 PM UTC

10
Loading comments…