pamilya kuno pero ubod ng ganid

NSFWRant 😡

I just really want to vent dahil punong-puno na talaga ako. 23 na ako ngayon at 4 years akong nagtiis sa agency na 'to dito sa Silang. Dati, marami akong colleagues na nag-resign at nag-direct na sa client, at ngayon ko lang talaga naintindihan kung bakit. Di ko alam kung lahat ba ng agency ganito o sadyang kupal at mapagsamantala lang talaga 'tong napasukan nila. Imagine, wala silang binabayarang tax para sa amin. Ang ginagawa nila, abutan lang kami ng 1,250 pesos tapos kami na raw bahala mag-asikaso ng SSS, Pag-IBIG, at PhilHealth namin. Tapos kapag may bagong client, bigla ka na lang ililipat at ipapagamit yung pangalan mo sa ibang tao under ng existing client para lang makakuha sila ng mas maraming accounts. Sobrang lala ng gaslighting at manipulation nila para lang mapapayag ang mga tao sa ganitong setup.

Pero ang pinaka-kasuka-suka sa lahat? Yung kultura ng manyakis sa office na ’yan. Talamak ang sexual jokes at walang respeto sa babae. One time, may bumisitang half-Filipino manager galing Florida nung office setup pa kami. Nag-reach out sa akin sa Instagram at binastos ako nang malala. Lumapit ako sa management dahil hindi na ako safe at baka madamay trabaho ko, inassure nila ako nung una na "resigned" na raw yung tao. Pero ang ending? Ginawa pa akong biro. Maya't maya silang nag-j-joke na dapat daw "pumayag na ako kasi pogi naman daw" at "magpabayad na lang daw ako." Nakakasuka kasi kababaeng tao nung boss nila pero ganoon siya magbiro sa empleyado niyang nabastos na nga. Imbis na protektahan ako, parang ginawa pa akong escort sa mga hirit nila.

May isa pa kaming kawork na nagpasa ng resignation, hindi nila tinanggap. Ang palusot? Kawawa naman daw yung mga "overheads" dahil doon daw kinukuha ang pasahod sa kanila, mula sa cut namin sa client. At ang ginawa pang example na "kawawa" ay yung isang overhead na ubod ng manyakis na pinagtangkaan na nga itong kawork ko dati! Oh, anong pakialam namin kung hindi nila mapasahod yung manyakis na ’yun? Hindi na nga safe place to work, ipapang-gaslight pa nila sa amin yung ganung klaseng tao.

Ang pinaka-matindi, yung kaganiran nila sa sahod. Sa client na $750 ang bayad, $500 ang cut nila. Sa $900, $600 naman ang kinukuha nila. halos 70% ang cut pero walang HMO o matinong benefits. Tapos simula January, halos once a month na lang kami nakakasahod dahil "kapos sa funds" daw, pero pagkatapos ng holidays, lahat silang apat na "boss" naka-iPhone 17 Pro Max? Habang yung mga empleyado nila halos magutom na dahil sa sobrang ganid nila. At ang kakapal pa ng mukha nila na manakot na idedemanda raw yung mga nag-direct sa client, akala mo naman kung sinong sumusunod sa batas eh tax nga hindi nila mabayaran. Pwe!

Kaya noong nalaman kong pinakialaman nila pati personal social media accounts ko sa laptop na prinovide nila, hindi na ako nagtaka. Sobrang petty at unprofessional nila bilang management. Kaya as a "thank you" sa apat na taon na pang-aabuso nila, dinelete ko lahat ng contents na ako ang gumawa, tinanggalan ko sila ng access sa lahat ng GSheets na ako ang owner, at dinelete ko pati yung mismong Google account. Nag-direct na rin ako gaya nung kawork ko. Kung gusto nilang maging petty, ibabalik ko lang yung energy na deserve nila. Matapos nila kaming tratuhin na parang gatasan at bastusin ang pagkatao namin, deserve nila ang zero access. Magdusa sila.

Posted Mar 9, 2026, 11:37 AM UTC

11
Loading comments…