Hi, I just want to open up pls be kind.
I, [23] year old. I passed the PNLE last May 2025 and currently working as a bedside sa private hospital near me like 10mins away from me. Lemme share some. After ko makapasa I dreamed about working into hospital. Ang sabi ko sa sarili ko, kahit anong work basta may pera akong sarili okay na ko. Nag interview ako sa mga hospital near me para makauwi uwi ako sa bahay. And got hired sa hospital. Isa sa hosp na mataas taas naman pa sweldo kung ikukumpara sa ibang hosp samin.
Nag enjoy naman ako as a bedside lalo na mga time na trainee pa ako. Talagang na explore ko madami ako natutunan. But suddenly, after ko pumirma ng contract for regularization dito na nagsunod sunod prob ko. Nadamay ako sa mga IR na hindi ko kasalanan. Naging toxic environment ko after magkaron ng mga supervisors na bago. And honestly, I felt so so tired.
Magbabakasyon ako ngayon nag leave ako for 5 days. 2 magkadikit na off and 3 authorized absent. Baka sakali yung burnout na nararamdaman ko ngayon mawala. Baka sakali kaya ko pa matiis na magpa 1 year sa bedside. Currently now 8 months na ko working and mag 9 months na ko next month ng April 7. Konti na lang right?
Tama pala sila ang bedside hindi para sa mahihinang tao. Madami ako natutunan, madami din ako karanasan na mapapasabi ka na lang talaga makapag resign na. Pero ang hirap gawin lalo na kung mapapaisip ka na ang tagal buuin ng 8 months para makapag simula ulit ng bago. Wala lang, gusto ko na umalis pero di ko alam pag alis ko. Saan naman ako papasok? Ayoko maging pabigat at ang dami ko din kelangan bayaran. Kaya ayoko na bakante ako. Nakakatakot na ang taas ng pangarap ko sa sarili ko pero bakit ganto nararamdaman ko ngayon. Laging may takot tuwing papasok, laging feeling ko mapapagalitan ako. Feeling ko di ko deserve magpahinga ng 5 araw.
Hay. Makuha sana natin pangarap na gusto natin.
Posted Mar 10, 2026, 11:29 AM UTC