Maribank cashback at tubo per day? How?
Paano namamaintain ng Maribank ang malaking cashback at tubo per day? Paano sila kumikita kung yung supposed na kita nila ay binabalik lang din sa customer? At bakit walang ganitong perks sa ibang bank lalo na sa malalaking banko at sikat na ewallet / online bank?
Planning to open Maribank account. Ang gamit ko now ay bpi, gcash, gotyme. Gotyme ang ginagamit ko sa lahat ng purchase at bills payment dahil sa points lalo na sa grocery sa robinson supermarket, pero parang mas malaki ang cashback sa Maribank + yung tubo ng pera mo na per day kaya balak kong subukan. Sa bpi ako nagsisave kasi matagal na akong user ng bpi pero sobrang baba ng nadadagdag na pera per month ata yun.
Curious lang. Kung paano sila kumikita to maintain operation, mostly sa credit lang ba?
No bash or hate please, just a healthy conversation lang.
Posted Mar 14, 2026, 12:29 AM UTC