TMX 125 alpha CT125 o YTX. ano best commuter pantra sa price range na ito
Hello! MC newbie po ako
Nag iisip ako mag ipon para sa 1st mc na pang commute to work. With license na po. MT/AT Napusuan ko na rin kasi mag MT nung nag driving school. Handa ko tanggapin hirap ng MT habang trapik.
Lahat sila sub 60k at parehong tatlo sa research ko, matitibay naman makina at ibang parts pag na maintain nang maayos.
Kaya pantra naiisip kong kunin ay primarily dahil sa bigat. 90+ kg po kasi ako. tas may obr pa pag babyahe pa probinsya. Cinonsider ko na rin Beat kaso di kaya mahirapan lalo na kung may OBR ako.
Ngayon, sa kanilang tatlo, ano mas angat pag dating sa fuel efficiency, parts and servicing, at kung ano pa mang mga sikat na sakit ng mga modelo na ito
Cinonsider ko na din po Macho 125 o 150 ng Rusi. 10k price difference din! Kaso ayun nag aalangan kasi sa parts at reliability.
Sa kanilang tatlo, pinaka mahal srp nung ct125. Pero maliban sa gear indicator, may fuel gauge at usb charger pa.
YTX naman sikat sa katipiran sa gas at lakas ng torque. YTX yung na maneho ko sa driving school at okay naman seat height nya para saken. Gusto ko yung classic look niya.
TMX naman timeless classic design from Honda so worth parin talagang consider. Ito rin pinaka mura by srp.
Kaya sa kanilang tatlo, ano tingin nyo mas magandang 1st MC? completely ko na ba tanggalin sa considerations ko ang rusi macho? May mga alam ba kayong sakit ng bawat modelo na dapat malaman ng first buyer?
Salamat!
Posted Mar 14, 2026, 3:14 AM UTC