Nakakasakal na ba?
hi, im (21M) at may girlfriend ako (21F) at magkaklase kami actually. we’ve been dating for a year now. minsan napapaisip na lang ako if love pa ba na nagsstay ako or gusto ko na lang ng quotation na “in a relationship”.
may mga friends ako since 1st yr college, as in tropa kung tropa. malaki circle namin no’n. pero since ang program namin ay engineering, nagkawatak watak kami kasi ‘yung iba ay nag shift na talaga. de ayon, ‘yung isang friend ko na lumipat na ng school ay biglag nag-aya na mag get together kami, since 4th yr na nga kami e matagal na rin kaming hindi nagkikita.
i told her na “uy nag chat si (friend), nag-aaya ng gala”, sabi ko. pero as usual ang sagot niya sa’kin, “sige sumama ka, nakapag desisyon ka naman na!”. hindi ko alam mararamdaman ko kasi mahal ko siya e, kahit payag parents ko e susundin ko siya kasi ayaw ko mawala siya sa’kin. tapos what i hated the most is ‘yung ang liit ng bagay, pero ang big deal sa kaniya. iniisip ko na lang na baka sensitive siya sa mga gano’ng bagay. tapos, as a private person talaga, ayaw na ayaw ko na ‘yung nag-aaway kayo tapos magulat ka nag chat na ibang kaibigan niya sa’yo, na kung may away raw ba or what. naniniwala kasi ako na kung kaya naman namin ayusin muna, sa’min muna. kaso gusto ata niya binobroadcast sa lahat. lagi siya nag sstory na parang nag beg for sympathy (sorry na broadcast ko na rin dito, ayaw ko kasi siya icallout kasi baka magalit siya sa’kin). don’t get me wrong pero hindi talga ako sanay. tapos ito pa, ayaw na ayaw ko rin ‘yung silent treatment, kasi walang kwenta e, walang naitutulong as in.
kasalanan ko rin naman na minsan hindi kami nakapag ccelebrate nang monthsary nang maayos, kaya never date a broke man talaga hahaha.
pero minsan napapatanong na lang ako, love pa ba ‘to? o gusto ko na lang ‘yung image ko na nasa relationship ako.
Posted Mar 14, 2026, 6:29 AM UTC