Ang hirap maging nanay kapag biglang sabay sabay lahat
Pa rant lang. I'm a singlemom and may bunso ako na with epilepsy. last year na diagnosed and na admit last year. Last year ko pa pinasok yung medical help para sakanya. Na akala ko magagamit ko sa mga checkups niya for Neurologist. Ang dami na nagastos and all. Kelan lang na admit ulit naka ilang seizures siya 39+ mahigit na sunud sunod. Kinailangan siya ma EEG ng 12hrs na wala sa province namen. Then heto need MRI pero until now yung help na hinihintay namen wala. Gusto ko man mapatingin Wala eh. Sakto lang lahat ng pumapasok ko na income. And may mga anak din ako na nag aaral. Nakabukod kame and ako lang talaga sa lahat. I don't ask for my parents help kase sila din naghihikahos at saken din na hingi ng tulong. Lalo na na stroke na si papa at si mama nag memaintenance. Bakit parang ang hirap humingi ng tulong sa gobyerno naten. Ever since di kame lumalapit o gumagamit ng Philhealth ngayon lang talaga. Sana maging okay na lahat. Ang hirap na nagkaka sabay sabay. May nagkasakit , mag ggraduate, may nag memaintenance, bills tapos mawawalan pa ng gas. Pina followup ko naman wait nalang daw sa tawag. Pero every week nakikita na may nakakakuha daw. hays. Ang hirap kase kapag mga bata nagkakasakit. Di bale ng ako dahil kaya ko tiisin. Kaya lahat kinakaya at ginagawa ko para sakanila. Wish ko sana magkaron nalang ako ng magandang side hustle.
Posted Mar 14, 2026, 7:26 AM UTC