Incompetent husband
Naiinis ako kung gaano ka-incompetent yung asawa ko. Yung tipong kailangan mo pa ulit-ulitin bago gawin yung simpleng bagay.
For context, I have two kids; 2 under 2 and I’m an exclusively breastfeeding mom. Halos ako lahat gumagawa araw-araw, walang pahinga. Kahit nakahiga ako, nagpapadede pa rin ako sa baby ko.
Kagabi natanggal yung kurtina namin. Akala ko inayos na niya, pero pag gising ko kanina, natanggal na naman. Ang dali lang ng gagawin; akyat lang at pukpukin para hindi na matanggal pero hindi niya ginawa.
Yung front door namin, ilang buwan ko na sinasabi na lagyan ng second lock for the safety ng toddler namin na marunong nang magbukas ng pinto at tumatakbo palabas. Hanggang ngayon, wala pa rin.
Pag day off niya, gusto niya tulog lang siya. Naiinis siya pag maaga nagigising yung anak namin, ayaw niya ng maagang gising tulad ng ginagawa ko araw-araw. Gusto niya, pahinga niya lang yung priority niya. Pag hapon, gusto niya matulog yung toddler namin para may time siya sa cellphone at tahimik. Pag nag-a-attempt makipaglaro yung anak namin, napapagalitan pa. Minsan binibigyan pa ng phone para manood na lang.
Nakakainis! ako, ingat na ingat na walang screen time, tapos siya, kahit anong inconvenience sa kanya, cellphone agad ang solution.
Gets ko na nagtatrabaho siya at nagpo-provide siya, pero ako rin, kapag nauubusan kami, ako rin ang naghahanap ng paraan para makasurvive. Bilang nanay, nakakairita na ginusto niyang magkaanak pero parang ayaw niyang harapin yung pagiging bata ng anak namin. Gusto lang naman ng anak namin makipaglaro at magpa-attention.
Most of the time, pag-uwi niya, kahit kakauwi niya lang, sumisigaw siya o nagtataas ng boses sa anak namin pag nagpapasaway. Parang ine-expect niya na mag-adjust yung toddler namin sa kanya like, that’s a fvckin child. Ikaw ang adult, ikaw ang dapat marunong mag-adjust, tf! Tsaka ginusto mo yan!
Pagod na ako. Umiyak na ako sa harapan niya, nakiusap na magbago kasi hindi ko na talaga kinakaya. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na sinabi lahat ng ‘to. Sasabihin niya oo, gagawin niya, pero hanggang salita lang.
Last time, may matinding migraine ako. Ang kailangan ko lang sana, tulungan niya ako magwalis para walang food particles na pamugaran ng langgam. Pero hindi niya ginawa. Nagising ako na kinakagat na ng langgam, pati mga anak ko kinagat na rin. Ang hirap pa naman alisin ng mga bite marks niyan sa skin. Lalo na sa toddler ko na kutkutin kahit pagaling na yung sugat.
Honestly, nauubos na ako. Hindi ko na alam kung hanggang saan pa ako magtitiis. Pag lumaki lang konti yung mga anak ko, God willing, aalis na ako. Kasi hindi lang siya incompetent, sinungaling pa! Hihingi ng anak, pero hindi naman kayang alagaan. Ang yabang yabang pa niyan, akala mo siga, typical small dih energy. Ako nalang nahihiya.
Posted Mar 30, 2026, 6:00 AM UTC