nakakabaliw tong pamilyang to
naiinis ako sa kanilang lahat. mga di na nga tumutulong magorganize ng party, parang magaaway away pa. jusko. di na yata naisip na magbbday lola namin, di na nga maibigay yung deserve na bday party, may drama pa.
ako na nga nagsspearhead neto last year pa. sinabi ko nang kailangan na to paghandaan ahead of time kasi nga 80th birthday so expected malaki. mga di naman nagsisipagreply. gets ko naman na lahat tayo busy at may sari-sariling buhay pero yung time to time naman ako nagaask, and months ahead pa, kasi nga alam kong ganto mangyayari. pero yung magreply man lang ba pag tinatanong ng pwedeng gawin or iambag.
tas nagkagiyera pa, edi di makakauwi from abroad mga dapat umuwi, pero gets naman yun di naman controlled yun. pero ngayon we’re all lost tas magbbuffet nalang, di pa rin nagsisipagconfirm.
ngayon eto namang isa, nagsuggest ng money bouquet na paghahati hatian ng mga apo. jusko first and foremost napakatacky talaga niyan sa totoo lang. and sa loob ko, kung mag gaganyan lang din naman edi sana imbis na money bouquet eh idagdag nalang sa budget ng party para mas maging formal. and hindi naman lahat ng apo na nagttrabaho eh same ng income so mas okay siguro if wala nang ganon tapos magbigay nalang sila ng kung anong kaya nila.
eh kaso itong isa kong pinsan, nagreply na ayaw raw niya at “kung sino may idea, siya gumawa”. so naoffend naman ang mga people at may pagleave na sa gc na nagaganap. JUSKOOOOOO TEKA LANG pwedeng mamaya na yan!!!!!! pwedeng after ng bday ni nanay nalang kayo magsabong!!! eto pa man ding nagsuggest ng money bouquet eh may pagkatalakchi so kinakabahan ako baka magsagutan sila sa gc. ewan ko nakakainis nasstress ako sa inyo dami ko na iniisip leche di niyo man lang maisip na malapit na bday ni nanay at isantabi niyo na muna yan. eto naman din kasing isa di man lang nagmince ng words alam namang di niya kahumor mga kausap niya. eto naman ding nagleave balat sibuyas na ewan. HAY JUSKO EWAN KO SA INYO BAHALA KAYO DIYAN. di man lang magawaan si nanay ng program or ng invitation. di ko alam kung nagkainisan ba nung new year or smth kaya ganto. ewan.
Posted Mar 30, 2026, 6:08 AM UTC · locked