Entitled ba talaga makialam ang manager sa mga posts ng agent online kahit di work related?
Gusto ko lang mag labas ng sama ng loob dito sa company na feeling pamilya mo yung mga manager. (Please correct me sa flair if mali) During PTO ko, I simply put up a note sa social media about how unfair the system was. I was pertaining sa school namin but my note was somehow vague lang since 60 characters lang naman mag kakasya sa ig and fb notes.
And then later, the manager responded sa note ko and asked what was it about. I didn’t get to respond kasi nag deactivate nako due personal reasons and when I got back I really didn’t feel like responding na kasi nag reactivate lang naman ako to check any school related stuff. Alam niyo yung feeling na napilitan lang kayo mag reactivate? Ganon Hahahah. And I really didn’t think of having to tell her what was it about kasi nga personal naman na yun.
Then by the time bumalik nako sa office, nagpa host siya ng team meeting with the manager. At first nag cocomplain siya dahil yung mga agents daw gumagawa ng mga violations such as using phone sa production floor, sleeping sa production floor, pero di naman raw siya makaissue ng IR kase nga raw nakikinig naman sila pag pinakiusapan (Note: The violations had happened multiple times na) tinotolerate niya lang daw kasi mabait daw siya at gusto niya kami ma intindihan.
Then patapos na meeting namin, bigla niya akong tinanong ano daw gusto kong gawin sa kanila na nag commit ng violation. I was like ??? Ano naman say ko jan e wala naman akong problema, di naman ako yung designated na tao para makialam sa violations nila. So sinabi ko na wala naman akong gustong mangyari kasi di naman dapat ako yung may say niyan? Tapos biglang nag lash out yung gaga. Nagalit kasi nakita niya raw yung post ko stating na unfair daw yung system. Just because diko raw nakikita na may pinapagalitan doesn’t mean di nangyayare. Talagang nalito ako at ni clarify ko na oh sorry di yun work related. Pero di talaga nag stop dun. Gusto niya talaga i diin na just in case daw sila pinapatamaan ko lahat naman raw sila pinagsasabihan. Hindi niya lang daw sinasabi sa lahat kasi marunong daw siya mag value ng privacy ng agent, which is funny kasi siya yung mahilig mang chismis ng mga nagresign na agents, na terminate, na suspend lmao.
I felt humiliated and exhausted kasi yung reaction ng teammates ko parang nagulat kasi they were under the impression na sila nga yung pinapatamaan ko. I keep on repeating na hindi and I really don’t think I need to explain it sa team meeting lalo nat personal life ko naman yun. Sabi niya kung ayaw ko raw mag react siya, edi sana di ko nalang pinublicize. I was like Jesus Christ lahat ng yun para sa 60 characters na note. The victim blaming is absurd, siya nanga yung na correct, siya pa yung may gana magalit.
Posted Apr 1, 2026, 5:43 AM UTC