r/AkoBaYungGago•
trezive

ABYG kung sinabihan ko nanay ko na wala siyang ambag

Family

I, F(18), was invited to a barangay fiesta by one of my closest friends na kilala ng buong pamilya ko as I frequently hang out with them. They have good images since wala sa aming umiinom and may bisyo, perks of being a friend group na puro acidic, at alam yun ng pamilya ko kasi may times nagkakayayaan. Lagi-lagi kami lahat humihindi.

Since day off ko sa trabaho and walang pasok, wala rin family hangout, kaya nagpaalam ako sa magulang ko, wala akong tinagong details. Nasagot ko yung where, when, what, who na mga tanong. Habang paakyat ako, biglang sabi ng nanay ko, "naku, makikipagkita lang yan sa lalaki niya." Eh wala naman akong boyfriend o nakakausap... pero yung tatay ko biglang sabi, "sabi ng mommy mo, wag ka na lang umalis para walang away."

Nag-"huh?" ako tapos sinagot ako ng nanay ko na kesyo baka mamaya umuwi akong buntis kaya nainis ako, kasi all girls kami at hindi kami nagdadala ng lalaki, except sa boyfriends ng mga kaibigan ko, pero wala naman daw pupuntang boyfriend at sinabi ko rin yun sa magulang ko. Sa loob din kami ng bahay at hindi kami lalabas. Sumumbat pa na mag-OT na lang daw ako sa trabaho para may "use" yung pag-lalaptop ko buong magdamag. Dun ako na-trigger kasi (1) never siya nagtrabaho (2) hindi galing sa kanya allowance (3) ginagawa niyang para sa luho niya perang binibigay ko for groceries at bills (4) ni bechingko, wala akong natanggap mula sa kanya, at laging sa tatay ko (5) ako ang nagpalaki sa bunso kong kapatid na bagong silang nung 8 years old ako, dahil nasa finding myself era ang nanay ko noon. Tatlo kaming magkakapatid. Yung middle child lang inalagaan niya nang todo at ayun din ang favorite niya.

Kaya sinabihan ko siya na ang weird na wala siyang ambag pero gusto niya may say siya sa gawain ko. Tatay ko at ako lang (voluntarily) naghahati sa gastusin kapag may extra ako, mula sa pag-upa ng bahay at bayad ng kotse. Tatay ko rin nagsabi na feel free raw ako hindi magbigay kasi kaya niya mag-isa, minsan sinasabihan niya ang nanay ko na maghanap ng trabaho kasi dapat daw nag-aaral lang ako. Biglang nagmartsa nanay ko sa CR at nilock niya ang sarili niya. Pagkalabas niya nag-away sila at nagtatangkang maglayas nanay ko.

ABYG kasi feeling ko kung never ako nagtanong at nagsabi ng walang ambag nanay ko, hindi sila mag-aaway?

Posted Apr 1, 2026, 5:57 AM UTC

6536
Loading comments…