Tinanong ko Tatay ko kung pwede bang si Kuya ko na lang maghatid sakin sa altar
Problem/Goal: Tinanong ko Tatay ko kung pwede bang si Kuya ko na lang maghatid sakin sa altar kaso he did not take it well. Mas prefer ko lang si Kuya ko dahil mas close kami at feel ko na mas deserve niya.
Ang reply ng Tatay ko: “For me anything goes, if i am not welcome to your wedding it’s ok with me, i think you are having a problem with me being a part of your big day, no worries i understand”
Welcome pa rin naman siya sa wedding pero as a guest lang sana. Any advice paano ko mapapaintindi sa kanya without being rude?
Context: Never ko pa na-meet Tatay ko in person. Nilayo ako ng Nanay ko sa kanya dahil nambubugbog siya before. Nakilala ko lang siya when I was 18. And sa video call lang kami nakapagusap dahil nasa ibang bansa na siya. I just find it awkward na first time namin magmemeet sa wedding tapos ilalakad niya ako agad sa altar..
Posted Apr 1, 2026, 8:33 PM UTC