Hinalikan ako tapos friends lang daw. Wala ba talagang naaalala pag lasing? I doubt.

Story time

Okay, I need clarifications please! I’m 32F, bisexual, and may na-meet akong girl 25F from Boracay. Nagwowork sya sa isang 5-star hotel dun and sobrang pretty nya, hinanap ko sya sa socmed.

Long story short, tuloy tuloy na kaming magusap sa IG after ilang months ng pangungulit ko. Pinalitan nya na yung theme on IG. Take note, sabi nya di sya active sa IG at ako lang ang nakapag-pa active sakanya doon.

Alam nyang bet ko sya. May times na nagpaparinigan na kami sa IG notes. Sa tanda kong ‘to, dun ako natuto mag IG notes. Hahaha!

December 2025, umuwi sya Manila. Nagkita kami ng Jan 2026. Kwento kwento, kape kape. Night came niyaya ko sya ulit lumabas kasi stressed sa work. Ending uminom kami sa sasakyan. 2 botts lang naman. Nalasing sya which hello, di ko naman ineexpect. Paghatid ko sakanila, hinalikan nya ko. Madaming beses, inaawat ko na kasi I respected her SO MUCH, ayoko ng ganon.

Sabi nya “Swerte mo, gusto ka ng crush mo.”

The next day, nag chat sya sa IG na parang walang nangyari. Dahil medyo adult na tayo, I wanted to seek for clarifications. Nagalit sya. Ayaw nya pagusapan. Wala daw syang matandaan?!

The next thing that happened was ayaw nya na daw akong kausap. Para daw akong aso na habol nang habol. No contact na kami 3 months na.

DI NYA BA TALAGA AKO GUSTO? AT NANINIWALA BA TALAGA KAYO SA HINDI NYA NAALALA O AVOIDANT TYPE LANG SYA?!

Posted Apr 3, 2026, 4:49 PM UTC

634
Loading comments…