My dad told me no one will like me
Once a week to twice lang ako sumabay sa parents ko kumain ng dinner. Iwas talaga ako kasi nagkaka-anxiety ko baka kung ako nanaman ang sabihin nila sakin. 25 na ako at unfortunately unemployed pa hehe hindi naman sa ayaw kong magwork sadyang hindi lang talaga ako makuha kasi wala akong backer. Pnp gusto kong pasukan hehe. Lagi kasing pagsasabay ako inaanxiety ako baka mapunta sakin ang usapan. Ngayon napunta nga pero hindi na tungkol sa job. Sabi "Ilang taon na ka? 25. Bakit di ka nalang mag-asawa?" sabi sakin. I know behind that na gusto na niyang mag-asawa na lang aka kasi wala naman akong work. Sabi ko ayaw ko. Then, Sabi niya "sabagay wala naman magkakagusto sayo". Bigla akong nanahimik parang di ko na malunok kinakain ko hehe. Single nga naman ako di kasi ako nagboyfriend noong academic years ko kasi strict sila tsaka natatakot ako baka di ako maka focus sa school. Ngayon pahirapan na magka lovelife haha. Pero kung tutuusin wala naman talagang magkakagusto sakin short tempered ako tsaka di masyadong kagandahan sabayan mo pa ng tahimik lang ako pag di ako kinakausap. Haaaay buhay😊
Posted Apr 4, 2026, 1:13 PM UTC