New Year, No Job;Bills Ayaw Paawat?
Nawala yung nag iisang client ko na main source of income ko, bago pa lang kasi ako sa freelancing at first time ko maranasan mawalan ng trabaho dahil the company can't pay us anymore (Yes lahat kami na layoff sa department namin).
Good pay sya light lang din yung mga task, tumagal din ako ng two years kaso shlt happens at they have to let us go. Dito ako nasampal na need mo ng more than one client just to be safe. Continuous lang mag hanap even though you already have one client (but be realistic, yung kaya lang).
Masakit sa akin kasi sobrang hopeful ko sa 2026, pero pag dating noong January doon namin na received biglaan yung balita, naalala ko tanghali noon, pag gising at mulat ko ng mata yun agad nakita ko sa phone notification ko na bye bye Job na kami ( para akong binuhusan ng malamig na tubig with 3 ice cube and 5 pitik jk). Ni hindi pa nga ako nakaka move on sa new year noon eh!
Now nararanasan ko yung hirap mag apply, interview at trial task kaliwat kanan. Sobrang daming rejection at ghosting pala pag ganitong nag aapply ka.
Pero hopeful pa rin ako. Naniniwala ako na redirection to at need itong mangyari para magbago ako sa pagiging petiks, now nagagawa ko na din na mag upskill.
Madami akong natutunan sa pain na ito. Sabuyan nyo ako ng Job dust!!! hihi kasi may pinapaaral pa akong mga kapatid na na sa college na🥹
For now continues lang ang pag aapply <3
Posted Apr 5, 2026, 3:02 AM UTC