SKL being an introvert na drain ako kanina

Pagdating ko kanina sa bus meron nakaupo na window seat ko. Number 7.
Being an introvert, sinabi ko without emotions na sa window seat ako.
Ang respond ni girl na nakaupo. Tinuro niya yung parang label nung seat numbers. Number 7 daw is aisle seat. Number 8 siya na ang nakalagay eh window seat.
Nagtatanong yung mga kasama niya kung ano nagyayari. Marami pala sila. Mga eight siguro. Tapos sabi ni girl na yun nga, sa window seat daw siya,
No response ako. Umupo ako doon sa aisle seat. I find that weird kasi sigurado akong window seat ang binook ko. Hindi ako nagbo-book ng aisle seat kahit sa eroplano.
Nag-search ako sa phone ko doon sa seat plan ng bus and I confirmed na window seat ako. Mali ang label sa bus.
Pinakita ko yon kay girl and also my reservation ticket.
Sabi niya hindi daw niya alam kasi hindi daw siya ang nagbook ng ticket. Sabi niya magpalit nalang daw kami. Yung kabilang side na kasama niya, nagtanong sa kanya kung anong nangyayari. I explained doon sa kasama with visuals sa phone ko yung number 7 sa online is window seat. Sabi naman niya eh okay lang.

Entire 3 hours of trip eh super awkward ang feeling ko. Kasi nga ayoko na meron kumakausap sa akin pero ayaw ko rin ganyan. I planned this trip so I think deserve ko yung kung ano yung binook ko.

Nung sa terminal na, bababa na lahat ng pasahero. Yung isang kasama ni girl, parang few rows ayaw, ang sabi sa kanya - "ano ang experience na nasa window seat?". Ang respond ni girl - "Hindi ko alam, tatanungin ko sa kanya." Naiinis talaga ako pero poker face pa rin ako. Hanggang ngayon naiinis pa rin ako. Ayaw ko na isipin ko naiinis pa rin ako.

Posted Apr 5, 2026, 10:05 AM UTC

168
Loading comments…