r/Bicol•
Tikkitikkitikka

Bicolano/Bicol-based business owners, baka may input kayo.

Discussion

May lahing Bicolano ang pamilya ko pero di ako dito lumaki sa Bicol, ngayon nag decide ako mag open ng negosyo dito. Okay naman sana, pero hindi ako masyadong gamay sa ugaling ng mga tao dito. Noong una naman ay maayos, hanggang sa napag alaman ko na grabe pala ako siraan ng mga naging ka-kumpitensya ko. Hindi yung friendly competition ha, yung mga personal at below the belt attack. Paninira ng negosyo sa social media at pang iinsulto in all sorts. Nakkagulat at nakakagalit kasi di ko naman kakilala tong si delulu girl. Marami na din akong negosyo, naka sosyo, nakilala at naging kompotensya at na encounter na mga tao pero ibang level to. Parang hobby nyang manira ng buhay. In fairness bilog na bilog nya ulo ng mga tao dahil ang galing nyang gumawa ng kwento at ang galing din mag deny.

I tried to address things professionally and kindly, like how I'd address conflicts in Manila. Pero lalo lang akong ininsulto. Now I wanna know, ano kayang magandang approach? May magic spell ba mga Bicolano/a? Kasi natatakot ako sa capacity nya. Gusto ko lang naman mag negosyo ng matiwasay.

Salamat na maray mga madi at padi sa magpapayo.

Posted Apr 5, 2026, 10:11 AM UTC

29
Loading comments…