Pinsan ng jowa ko

NSFWTips / Help

Sorry not a good storyteller but hear me out.

Nasa bahay ako ng bf (29M) ko at nag stay muna ako sa kwarto habang iniintay siya. Dumating si bf at kasama na nya yung pinsan niyang babae (20F). Nag visit yung pinsan sa house and dumiretso sila sa kwarto.

Akala ko mag-hhi lang yung pinsan pero nagulat ako pinagpapahinga ng bf ko yung pinsan niya sa kama. Nahiga naman si pinsan at pinatay ng bf ko yung ilaw. So tatlo kaming nakahiga sa kama. Ako, Bf ko, at pinsan niya. That time nagpplay ako ng mobile game tapos napapansin ko na naghaharutan silang dalawa. May time pa na minassage ng pinsan yung likod ng bf ko. Pinapalagutok din mga daliri. Nung una okay lang kasi baka ganon talaga sila kaclose, pero nung tumatagal parang yumayakap na yung bf ko sa pinsan niya habang naghaharutan sila. Tapos yayakap ulit sakin bf ko.

Medyo na-off ako kasi sobrang harot nila sa isa’t isa. Nung umalis yung pinsan, tinanong ko si bf kung ganon ba talaga sila kaclose ng pinsan niya? Oo daw sobra.

I am now confused anong mafifeel ko. I need some advice people.

Posted Apr 5, 2026, 10:12 AM UTC

1620
Loading comments…