Pa rant lang..
I thought I was already okay.
I already conditioned myself na hindi lahat parepareho ng timeline. Ive accepted that some people my age already have families, yung ibang mga ka batch ko already have two kids, habang ako… nandito pa rin, still figuring things out. Yung mga pinsan kong mas bata sakin, kasal na. And honestly, I made peace with that. Hindi na siya issue sakin.
Pero bakit may mga tao pa ring parang may mission na ipamukha sayo na “napag iwanan” ka?
Kanina, lumabas ako para bumili ng ingredients para sa niluluto ni mama. Tapos may kapitbahay na nakakita sakin. Tinanong ako kung ilang taon na ako. Sabi ko, 30 po.
Tapos biglang sabi nya,
“Hindi ka pa ba ikakasal? Napag iiwanan ka na.”
Grabe. Ngumiti lang ako. Pero sa totoo lang, ang daming tumakbo sa isip ko. Ang dami kong gustong sabihin. Ang daming sama ng loob.
Pinigilan ko talaga sarili ko. Tas ang nasabi ko nalang:
“San po ba pupunta?”
Napatigil sya tas nakatingin lang sakin. And for a moment, parang ako naman yung napaisip…
Bakit nga ba parang may “deadline” ang buhay? Bakit parang may checklist na kailangan mong sundin para masabing okay ka? Bakit kailangan laging may comparison?
Hindi ko naman piniling mapag iwanan, kung yun man ang tingin nila. Hindi ba pwedeng iba lang talaga ang pacing ko? Hindi ba pwedeng hindi lang talaga kasal ang sukatan ng pagiging “okay” sa buhay?
Nakakapagod din pala. Kahit tanggap mo na, may mga tao pa ring kayang mag trigger ng inis at sakit na akala mo tapos na.
Any advice kung paano niyo sinasagot yung mga ganitong tanong? Yung hindi bastos pero ramdam nila na wala silang karapatan mag comment sa buhay mo?
Posted Apr 5, 2026, 10:22 AM UTC