I GOT A JOB AND THEN IT’S GONE

Tips or Advice

Exactly 1 week since I passed, may nag-invite sakin for training. Nagstart agad ako kasi sayang yung opportunity. Nagtraining ako sa main branch nila kahit malayo, sabi pa nila after ng training pwede na daw akong bumalik sa branch na inapplyan ko but after 1 week of training I received a message that they will not push the application na daw. I was so heartbroken. Andami ko pa namang goals sana. Tapos yung workplace nagugustuhan ko na, yung mga tao magaan lang kasama, yung scrubs nila cute din. For the whole duration of training nasa routine tests lang ako. I did everything naman. Di ako nalelate. Pag may tinuturo sila sinusulat ko, inaaral ko, so that I’m ready the next day. Yung flaw lang na nakikita ko was pag nagbabasa ako ng urinalysis magkaiba ng konti yung bilang ko sa bilang ng staff pero nagi-improve naman ako day by day.

I don’t know what happened. Back to zero ulit ako. Nakakalungkot sobra. Nakakadown yung nangyari. Magbibirthday pa naman ako sa oath taking mismo tapos ganito yung nangyari. I know God has plans for me but right now mahirap lang tanggapin :(((((

Posted Apr 5, 2026, 10:23 AM UTC

4724
Loading comments…