Food business partnership ADVICE

Advice

Need advice po, especially sa mga business owners dito na may partnership sa business nila.

Meron po akong food business, 1 year ago na din nung nagstart ako. Setup ko is homebased kitchen, walang dine-in. Kaya online ung market ko (grabfood, foodpanda, lalamove delivery and order pickup from our location). Nagiipon ako na hopefully makapagpatayo ng sariling pwesto, but still kulang pa din ung ipon since malaking capital need.

May lumapit sakin na gustong makipagpartnership.A friend of mine. Basically parang sya ung magiging investor, sya ung magprovide ng malaking capital, para magkapwesto, kasi yun din ung gusto ni investor. Pero maglalabas din ako ng capital from my own business savings.

Ang tanong ko po at ihihingi ng advice, anong mga agreement po kaya ung maganda na ilatag kay investor. Ung magiging fair sa kanya at sa akin din. Kasi iniisip ko, syempre dapat mas malaki ung percentage na makukuha nya sa kikitain rather than sakin na may-ari ng rights. Pero pag nag ROI na sya, pwede ko ba na gawing 50-50 na kami? Not sure pa kung magiging hands-on din si investor sa operation or ako lang ang magooperate at literal lang na sya naglabas ng pera. Or kung may iba pa kayong maisasuggest and advice sa akin besides sa concern ko.

Di pa kami naguusap ni investor, pero may scheduled meetup na kami para magusap sa gagawin.

Salamat po sa mga sasagot.

Posted Apr 5, 2026, 3:02 PM UTC

11
Loading comments…