First time ko makabili ng laptop - fully paid
Pangarap ko talaga noon pa makabili ng sarili kong laptop na ako mismo bumili. Meron naman kaming laptop dati pero asawa ko ang bumili. Para sakin, gusto ko bumili na galing mismo sakin, pinaghirapan ko - ganun. Ang sarap sa pakiramdam na nabili ko na ang gusto kong laptop. Fully paid cash/debit. Hindi installment, hindi credit card. Hindi naman po ako against doon sa gumagamit ng installment or credit card para makabili ng gadgets o kung ano pa naman, kasi gumagamit din po ako nito pag gipit talaga at kailangan na kailangan. Pero alam mo yung pakiramdam na nabili mo ang gusto mo, yung matagal mo ng pinapangarap. Thank you self sa pagsisikap at pagtitimpi at kakasabing deserve ko to, haha. Sana po may ma-inspire.
Posted Apr 5, 2026, 3:09 PM UTC