OA lang ba ako kasi sinabi ko na petty ginawa ng asawa ko?

🫂 Relationships

Nagkaroon kami ng away ng asawa ko (about sa mga bagay na di ok para sa akin pero ini-invalidate niya). Maldita yung asawa ko at ma-pride, aminado siya diyan.

Eto ginawa niya instead na maging mahinahon at palipasin ang inis: inalis niya yung last name ko sa name niya sa Facebook (from married name, balik sa name niya nung dalaga pa siya)

Sa akin, hindi ako nakikialam sa ginagawa niya sa Facebook or social media. Pero napansin ko and sabi ko ang petty naman ng ginawa niya kasi previously ni-block niya ko sa Facebook after a quarrel din. Napansin din ng family ko yung pag-alis niya ng last name ko sa FB.

Ang sabi niya, ang OA ko raw (and ng family ko) dahil pinapansin pa namin yung ganun bagay. Malamang mapansin kasi di naman niya gawain yun dati.

OA nga ba ako para mapansin at sabihan siya ba petty ginawa niya?

Posted Apr 5, 2026, 3:16 PM UTC

313
Loading comments…