I hope to see her again
Kanina sa simbahan may nakatabi akong isang magandang babae. Di ko alam pero ilang beses kami nagkakatinginan tapos di ko alam kung sinasadya niya ba pero ilang beses nagkadikit mga braso namin.
Gusto ko tanungin pangalan niya pero kinain ako ng takot dahil kasama nya din pamilya niya at nasa loob kami ng simbahan.
Hanggang ngayon sobrang lungkot ko dahil baka yun na din yung huling beses ko siyang makikita sa buong buhay ko. Gusto ko siya hanapin. Gusto ko ulit bumalik sa simbahan na iyon baka sakaling doon ulit siya magsisimba sa susunod na linggo.
Kinakain ako ng lungkot. Di ko alam kung mag move on na ba ako o makikiusap sa Diyos.
Ang hirap isipin na sa saglit na pagkikita nakita ko yung pangarap kong buhay sa mata ng isang tao na maaaaring hindi ko na ulit makikitang muli.
Posted Apr 5, 2026, 3:17 PM UTC