Ang toxic ng in laws ko. Minsan naiiyak na lang ako mag isa.

Rant

Magkaaway si hubby at si FIL. Mahabang story ang away nila pero to summarize it, nagalit si hubby kay FIL nung nakitira si FIL sa amin kasi before pa kaki pumayag na makitira sila, ang condition namin is dapat if may ubo or sipon or kahit ano sakit siya, mag mask at isolate dahil may medically complex baby kami, 6 months old at di pwede or delikado if magka ubo or sipon. Kaso si FIL, nung inubo, ayaw mag mask, may patampo tampo at palayas pa at ang dami pa sinasabi, so ending nahawa ng RSV baby namin at yun na nga, nagalit si hubby kay FIL at nag away na sila.

After ilang days na magka away si hubby at FIL, okay pa kami ni FIL. Tinetext pa ako at hinihingi pa ung allowance niya sa akin. Pero nung hindi ko naibigay dahil sabi ni hubby huwag ko ibigay, nagalit na si FIL sa akin at ang dami ko ng masasakit na salita na narinig galing sa kanya.

Umabot sa point na minumura at sinusumpa pa niya ako. Kasalanan ko daw kung bakit siya inaway ng anak niya, ako daw may kasalanan bakit malayo loob mga apo nya sa kanya, etc. Pinaka masakit sa lahat para sa akin is sinabihan pa ako ng panget at pera lang daw ang habol sa akin ni hubby.

Hindi naman ako panget, at di naman kagandahan. Masasabi ko na sakto lang ako dati. Kaso dahil sa nanganak ako at sobrang busy ko na sa anak ko, nawalan na talaga ako ng time para Sa sarili ko. Aminado naman un. Pero ang sakit pa rin pala na pintasan ka ng iba. Yun lang naman rant ko.

Posted Apr 6, 2026, 1:06 AM UTC

6348
Loading comments…