Masama bang sabihin ko na sana hindi nalang ako naging anak ng magulang ko?
Breadwinner here. Ako lahat ang sumasalo ng problema. May anak ako isa mas mababa sahod ng asawa ko. Ako bumubuhay sa nanay at mga kapatid ko pinag cocollege ko dalawa kong kapatid. Masama ba na sabihin ko na nag reregret ako sa nanay ko. Pagod na ako. Sinabi ko din na kung pwede mamatay. Mamatay nalang para matapos ang lahat. Pero iniisip ko ung anak ko. Ayaw ko maging kagaya ko. Na dedepress yata ako. Ilang years ko na iniinda lahat. Sa sobrang over work at over stress feeling ko din may sakit na ako. D ko alam gagawin ko. Ako bumibuhay sa dalawang pamilya. Gusto ko lang ilabas to. Alam kong walang makakatulong sakin kundi sarili ko gusto ko lang talaga mailabas ito. Gusto ko maging ok. Gusto ko maging ok buhay ng anak ko pag laki nya.
Posted Apr 6, 2026, 1:11 AM UTC