CHED eCAV
Hello! Gusto ko lang i-share yung naranasan ko sa pag process ng eCAV ko sa CHED.
FEBRUARY 26, 2026
Submitted my eCAV application (For Abroad), nun na din ako nagbayad ng ₱80. Ang sinubmit ko nung una ay:
-
Scanned CTC Transcript of Records na sa PHONE ko na-scan (CHED later removed this nung March 6, 2026)
-
Scanned CTC Diploma (printer ko to na-scan kasi nung nagpa-xerox ako para ma-CTC ng university ay sa short bond paper ko pinaxerox. Dapat pala lahat ay sa short bond paper ko na pinaxerox para kasya sa printer pag i-scan na.)
-
Scanned Endorsement Letter from my university na sa PHONE ko na-scan (CHED later removed this nung March 6, 2026)
Tapos, nabasa ko pagka-submit ko na BAWAL PALA SA PHONE MAG-SCAN. So, nag-scan ulit ako sa printer namin, tas inayos ko na lang para buo yung ma-submit ko. Same day ko din sinubmit yung:
- Re-scanned CTC TOR
- Re-scanned Endorsement Letter (CHED later removed this nung March 6, 2026)
Pinangalanan ko na lang ng "RE-SCANNED" para alam ng CHED na yun yung malinaw haha. May parang cinlick ako don na compliance something, so dun ko sinubmit yung RE-SCANNED documents ko.
So, in short, ang need lang ng CHED from me ay yung maayos na scan sa printer ng:
-
Certified True Copy of my Transcript of Records
-
Certified True Copy of my Diploma
MARCH 6, 2026
- Application has been processed and is now under review.
Akala ko mabilis na lang nung nakita ko ito pero hindi pala haha. Nag-email at nag-text ako sa kanila doon sa mobile numbers and email nila sa may support tab sa CHED eCAV website nung March 17, 2026.
Region III (Central Luzon)
Mobile
0927 440 7410 / 0927 440 7408
MARCH 17, 2026
-
Application has been reviewed and is now awaiting for approval.
Finally, noong nag-email at nag-text ako, saka nagkaroon ng new update sa application ko. Pero hindi sila nag rereply sa text at email. Akala ko ulit mabilis na lang nung nakita ko ito pero hindi din pala.
MARCH 31, 2026
Wala pa ding update. Noong nag-email ako sa osds@ched.gov.ph noong March 31, 2026, ay in-email lang din nila yung chedro3@ched.gov.ph saka yung ro3records@ched.gov.ph na i-cc sila pag may update sa application ko, pero wala pa rin namang naging update.
APRIL 6, 2026
Natatagalan na ako kasi mag-1 month na for approval, kaya nag-call na ako sa number nila na 0927 440 7410. Tapos akala ko di sasagot kasi baka nakukulitan na sa akin, kaka-text ko, o baka di talaga sila sumasagot ng calls kasi sa text nga di nagre-reply. Pero ayun sumagot sila. In-ask ano last name ko at kailan nag submit ng application. Tas cinonfirm nila ano school ko. Tapos sinabi nila na within today ay ipapa-approve na nila, kaya mag-wait na lang sa email ng instructions din for DFA Apostille.
- Your application has been approved. Please check your registered email for instructions on how to claim your apostillized documents.
Nakareceive na ako ng email kung paano ipa-apostille ang documents ko. Wala akong na-receive na email ng copy ng eCAV ko, so nag-call ulit ako if pwede nila ako send-an ng copy ng eCAV ko, and sabi nila send-an nila ako sa email na naka-register sa CHED eCAV. Tapos nag-ask ako if makakareceive ba ako ng physical copies ng eCAV and Apostille ko, tapos ang sabi nila ay DFA na daw ang nakakaalam nun, so nag-thank you na lang din ako at sabi ko aantayin ko na lang copy ng eCAV ko. Tapos saglit lang ay sinend na din nila agad copy ng eCAV ko.
Nung nakagawa na ako ng account doon sa link ng DFA Apostille na sinend nila sa email ko ay nag-start na ako ng application. Kaso, tuwing pagka-upload ng ID ko, ang sinasabi ay "Error: Payment link failed to generate. Tinry ko din sa laptop kaso ganun ulit. So, chineck ko yung sa may settings, tas sa profile may nakalagay na mag-upload ng ID, so nag-upload ako, tas nung okay na, ang nakalagay na ay "Your identity has been verified." So, nag try ulit ako mag start ng application tas ayun nag go through na hanggang sa payment. Ang binayaran ko ay:
- ₱200 plus ₱30 since sa Gcash ako nagbayad.
As of today, April 6, 2026, nakapag-submit na ako ng application sa DFA Apostille. Sabi ng iba, mga 10 working days daw bago magka-new update. Sana may option ng physical copies kaso nung nag start ako ng application ang sabi ay:
Important Notice
You are about to avail an eApostille for your eCAV.
No physical Apostille certificate will be issued. The Apostille will be issued electronically and sent to your registered email address.
Please proceed only if you understand and agree to this arrangement.
So, baka wala talagang physical copies haha. Kaso kasi yung iba na "For Abroad" ang pinili noong nagpa-eCAV ay nakareceive naman ng physical copies at pinadelivery pa nila sa bahay nila. "For Abroad" din kasi ang pinili ko nung nagpa-eCAV ako kasi sa abroad ko gagamitin.
Will update pagka nakuha ko na ang Apostillized documents ko.
Posted Apr 6, 2026, 1:31 PM UTC