r/PHGov•
Unknown-0810

Worth it pa ba?

Question (Other flairs not applicable)

Hi, currently working sa LGU/SG4/5yrs in service.. any tips kung paano mababalik yung dating passion mo sa work? ang hirap ma promote 🥹 board passer pero hindi mabigay yung item na qualified naman sana ako kasi mas priority nila yung boss ko na mapromote. Ako kasi sumasalo sa lahat ng paperworks, yung mga pang head na trabaho sakin napupunta kasi hindi marunong magcomputer boss ko.. Sobrang burn out malala talaga, tapos sya paikot ikot lang sa office namin entertain ng mga bisita from other agencies, magdidilig ng halaman at maninigarilyo.. lately sinasabihan ako ng admin at mayor namin na magpasa ng plans and programs ng office pero hindi ko talaga ginagawa, sinasagot ko din sila na sa boss ko sila mangulit wag sakin.. imagine 2 lang kaming staff sa office, ako at isang JO 🥹 pero nasamin na lahat anti rabies vaccine, RSBSA, NCFRS, Crop/Livestock Insurance at marami pang iba.. madalas inuuwi ko pa sa bahay para lang matapos.. pero minsan nakakapagod din kapag hindi ka well compensated kundi exploited pa 🥹 mag change career nalang kaya ako?

Posted Apr 7, 2026, 11:25 AM UTC

4830
Loading comments…