r/JobsPhilippines•
wxwxl

Anong magandang next step?

Job Hiring/Hiring Ads

Initial interview ko kahapon with Company A at mag-uupdate daw sila today kung tutuloy ako sa next round. As of this writing, midday na at wala pang update. Aware sila na may pending JO ako with another company.

Later that day, nagreach out si Company B for JO and need ko na magdecide by tomorrow. Note na sa June pa ang start date nito at willing sila mag intay sa 60 days na notice period ko.

Though nasa initial stage pa lang ako with A, mas gusto ko na sila kung potential lang ang paguusapan. Ang layo niya kay B in terms of compensation at working arrangement.

Sa ganitong situation, anong mga magandang gawin?

Tanggapin ko na ba si B without mentioning kay A, then urong na lang kapag nagoffer na si A?

Imention ko na ba kay A na may offer na si B para magupdate na sila?

Hindi kaya ilaglag na lang ako ni A kung di nila mamemeet yung timeline ni B?

Posted Apr 8, 2026, 2:42 AM UTC

12
Loading comments…