OLA and Credit Cards OVERDUE journey + any advise dealing with Finbro

Debt

​

Sorry mahaba. Share ko lang my own journey and I would appreciate din po ang tips ninyo. Dahil sa sunod sunod na pagkakasakit at pagkakaospital nung 2024, naubos ang extra money ko and from someone na may take home na 35k per month, nauwi ako sa 16k per month dahil sa dami ng loan.

I now recognized where I went wrong... pag nagpanic ako na di ako makabayad dahil uunahin ko ang gamot or pa ospital, nagtapal system ako. Nasagad ko ang 4 credit cards ko, 3 of which ay 6 digits and credit limit. Ang isa ay up to 90k.

Maliban dyan, nauwi ako sa paggamit ng mga OLA. previously natry ko pa ang Pesoloan, cashexpress, digido. Ang sakit sa ulo. Nakakadepress. Nakakahiya. Wala akong makwentuhan dahil alam kong ipagdidiinan ung mali ko.

But then nagbasa ako, number 1 advise ay itigil ang tapal system. I started this April. grabe ang kaba ko. Antaas ng anxiety ko. Hindi ako sanay. For context eto ang mga binabayaran ko

CCs

Bdo - 89k

BPI 132k

UnionBank 103k

HSBC 108k

Personal Loan

UnionBank 27k na lang remaining but Ive been paying 4200 per month for 2.5 years na. Patapos na sya hopefully

OLA

- Tala sagad ko ung 25k. To date nasa 33k na kasama late fee

- Finbro: nasa 35k principal pero 49k dahil kasama ng BS nilang borrower's package

- Spaylater:25k

- sloan: 23k

- Gcash: 19k

-JuanHand:39k

-ACOM: 70k

-Tonik: 14k

-Maya: 7500

- HappyCash 36k

- Billease 55k

May MabilisCash, Lazpaylater din ako, pero last payment ko na.

HERE'S WHAT I DID:

  1. INTERBANK DEBT RELIEF PROGRAM (IDRP) para sa Credit Cards

While searching ano pa pwede ko gawing paraan, nabasa ko ito. Apparently may program ang credit cards association ng Pinas sa debt restructuring program ng mga CCs. I tried to reach out to CCAP and i found out lahat ng banks ng cc ko member. In october 2025, I submitted my application. This Feb, napprove na at nagstart na ako. From 16 to 18k na nauubos lang minimum payment per month, at di naman nababawas.. naging 6500 na lang binabayaran ko at nababawasan na rin unti unti ang CCs.

• WARNING: NAPAKATAGAL NG PROCESS. kailangan ng tyaga mag ff up at makipag usap/explain sa collections agency. Ang ginawa ko na kasi nung pinagsubmit na ako ng BPI ng requirements, di na ako nag may ng MAD. nagintay na ako ng sasabihin ng BPI.

• GOOD EXPERIENCE: was with HSBC and Unionbank, sobrang responsive and helpful nila all throughout the process. bpi was also helpful pero napakatagal mag respond.

• BAD EXPERIENCE: ang hirap kausap ng BDO. karamihan sa agents nila walang idea sa IDRP at ang galing magpadala ng demand letter. So i made sure nakareport ito sa BSP

For more details, check this out: Interbank Debt Relief Program (IDRP) - Credit Card Association of the Philippines https://share.google/p6RDvKnhg45iISzs2

  1. PERSONAL LOAN SA BANK

When I solved my CCs, next ko personal loan sa Unionbank. Pag legit na Bank napaka ayos kausap talaga. They gave me several days. Nung 2 mons od na ako, tumawag sila para sabihan ako kahit 1 month wag lang macancel ang account. Then nah offer sila ng UnionBank Temporary Payment Arrangement Program. After 2 months na OD. hinati nila yung remaining amount. Lower monthly payment – pay only 2% of your outstanding balance or Php 500 (whichever is higher) as minimum payment tapos naging 1% monthly interest rate for 12 months. 50% of the interest and fees waived.

Prob is, icacancel ung account at negative ang credit score while ongoing ang program. THIS WAS VERY NICE OF THEM SOBRA. Pero ung case ko, pinag aralan kong maigi, until july na lang this year loan ko saknila. Kay tiniis ko na lang. BASTA CONSISTENT COMMUNICATION WITH THEM IS KEY

  1. OLAs

Dito ako halos mabaliw. Nagbasa ako dito ng mga naexperience.

NEGOTIATING / PARTIAL PAYMENT ang ginawa ko. Pero ito actual experiences ko recently and currently

🤨🫥😮‍💨FINBRO, consistent emails. Hinighligjt ko ang mga naka lagay sa BORROWER’S PACKAGE. nung una ayaw nila. Hinighlight ko laman ng borrower's. Ayun nagoffer kasi weekly 12k. Di pa rin kaya. ONGOING PA RIN until now. But im still trying my best na gawan ng ways

😀🥰TALA, i keep on messaging them ETO ANG ISA SA THE BEST NA OLA. as long as may partial ka walang problema. NO HARASSMENTS DIN. Kaya hanggat kaya ko binabawasan ko to. My solution is PARTIAL PAYMENT kung magkano lang meron ako.

😀🥰HAPPY CASH , nagulat ako dito. Text and viber lang sila at maayos kausap agents nila. Kaya nag paPARTIAL PAYMENT pa rin ako dito. Isa ito sa minemake sure kong magmove . Plus hindi ganong kalaki penalty.

😭😔😮‍💨SPAY and SLOAN: sabi nila naghohomevisit ito. Ayoko ng ganon. Kaya pag kaya binabayarn ko na. As much as possible sagad na 1 mon OD. un sa ngayon ginagawa ko. pagmatapos ko to, NO TO SPAYLATER na talaga ako sana

😀GCASH: Partial lang ginagawa ko. So far wala naman iba kundi everytime may itransfer sa gcash ko ay of course automatically deducted.

😅JUANHAND, tumawag sa reference agad yan. Pag di ko pa kaya, partial lang. Pero hanggat maari binabayaran ko lang din agad ang JuanHand. Makulit sila sobra. Although wala naman ako so far naexperience na threats.

😀🥰ACOM, on the otherhand was easy to talk to. Although extended days lang mabinigay nila... they minimum interest. 6k usually ko pero pumapayag sila na interest lang bayaran ko. Dagdagan kung keri at ung sobra babawas sa total amount. Theh will even advise you kung pano pinakamaganda paraan like lakihan ang bayad pag may extra kasi babaguhin nila ang computation liliit ang balanse, lumiliit din monthly. Basta comms is key with ACOM.

😀🥰TONIK, may option sola to skip the month. If wala kang ganon, pwede kang magpartial. May penalty lang. Pero very nice sila kausap

🥰😊🥰BILLEASE now this OLA is absolutely one of the best. Sobrang di ko na kaya. 10k per month na kasi need ko bayaran sakanila. So nagbakasakali ako, sa app nila nagsabi lang ako na certain amount lang kaya ko until June. Pumayag sila agad. Walang any counter offee. GO AGAD. kaya isa ito sa sobrang inuuna ko maiayos

😊MAYA, sobrang kulit nyan pag late. Sonrang daming tumatawag at reminders. But still napakablis kasi ng tela. Although pag nagbayad ka ng partial, medyo titigil. So inuunti unti ko na lang.

nakaka anxiety sobra pero wala na talaga lalo na in this economy.

OVERALL, ang hirap makipagdeal. Nakakadrain ng energy. Sa ngayon ang ginawa ko, inuuna ko anglegit OLAs like BILLEASE, TALA, MAYA, and ACOM. Then i make sure may movement ang HappyCash, juanhand, tonik. Then teh rest, hinuhuli ko. Ayoko na ipilit tapos mauuwi na naman ako ng Tapal. Then finilter ko calls ng phone ko FOR MY SANITY. Kasi kailangan ko iapproach ito with a clear mind. Kaya DI AKO SUMASAGOT SA CALLS. And I also requested all of them na via email naka cc ang SEC sa mga OLAs and BSP sa mga credit cards. For documentation na rin.

However, I am bothered sa FINBRO. Ang hirap nila mapakiusapan. Walang silbi ang borrower's, any advise po re FINBRO?

Posted Apr 8, 2026, 1:03 PM UTC

11
Loading comments…