Is this a normal hiring process?
Hello po! Ask ko lang po, if normal po ba sa mga construction industry yung urgent kang pagsasubmitin ng mga pre-employment requirements, pero hindi ka pa nila pinapapirma ng job offer letter/contract tapos hindi ka man lang nila iniinform ng mga details sa job mo, gaya ng breakdown ng salary, benefits, kung may leaves ba at OT, schedule of work, kung saan ka project site na iaassign, at kung probationary or contractual ka?
Pinagsasubmit kasi ako ng HR ng complete requirements, at minamadali, pero bukod sa binanggit niya na starting monthly salary, wala man lang akong idea sa ibang mga details. Wala rin sakin pinapirmahan na formal job offer letter di gaya sa dati kong company. Tapos nung nagtatanong ako dun sa HR thru phone call, sabi niya malalaman ko daw yung details sa orientation na, once macomplete ko na lahat ng requirements na need nila.
Pahingi po sana advice, hindi ko kasi sure kung dehado ba ako dito. Salamat po agad sa magcocomment!
Posted Apr 8, 2026, 1:10 PM UTC