Grab driver wanted me to cancel
Since last year pa ito but I think it's worth sharing pa naman hehe.
I was an undergrad student and kakatapos lang ng exam namin that day. Gusto ko umuwi agad cause why not kaya inisipan ko magbook nalang muna ako sa Grab.
As a GrabUnlimited member, may discount ako ng 8% every ride. So nagbook ako ng Saver (4-seater car w/ longer wait times but less charge) + my 8% discount, parang 40-50 pesos natipid ko dun. Hindi naman malayo bahay ko, siguro 30 mins lang pag minimal traffic.
May nag accept na sa aking booking, pero napansin ko ang tagal niya dumating. Naghintay ako ng 20 minutes pero hindi naman traffic yung papunta sa akin. Tapos patagal ng patagal, napansin ko siyang lumalayo sa akin.
Natandaan ko tuloy yung mga nakikita kong posts here sa Reddit na ayaw mag cancel ng Grab drivers dahil affected daw ang ratings nila sa system. So inisip ko na ito nga yun, edi nagbook nalang ako ng InDrive but hindi ko rin cinancel booking ko sa Grab
After ilang minutes, nasundo na ako ni InDrive and nakauwi na rin in 20 mins. During that whole period, my booking for Grab is nandoon pa rin. Hindi ko alam bakit pero nisearch ko ang pangalan ni driver sa FB.
And nagulat nalang ako na naka live pala siya! Nakatapat lang phone niya sa sarili niya and nagyyap lang about buhay but may halong rants din na naka discount pa ako kahit naka Saver na booking.
Natatawa nalang ako kay manong driver kasi nibbring up niya na ang tagal ko daw magcancel ng booking pero nasa bahay na ako HAHAHAHHAA. After a total of 30 minutes, naisip niya na rin na baka nakauwi na ako kaya nagend live na siya.
Okay lang naman mainis or isipin na unfair ang prices para sa ating drivers, lalo na sa panahon ngayon. Pero yung mga ginagawa nila ng mga ganto is mga kapwa nating mga Pilipino na nahihirapan din sa araw-araw.
Posted Apr 10, 2026, 12:45 AM UTC