r/BusinessPH•
KARA_Sachi

LTO FDA REGISTRATION

Permits & Documents

Ask ko lang sana baka may nakakaalam dito. Pano po kaya makakuha ng LTO sa FDA? Isa lang po kaming maliit na online seller ng homemade products, gusto kasi sana namin magtinda sa tiktok shop, shopee problema hinahanap po is FDA.

Nag check kami sa FDA grabe un requirements para mabigyan ka ng LTO kahit maliit na business ka lang same sa malaking manufacturing un compliance na pagdadaanan mo.

Like, dapat may sarili kang production facility na nakabukod sa bahay mo, pano naman kami magkaka ganon wala namang kaming pera para magpagawa or kahit magrent..

Mejo nakaka frustrate, nilalaban lang namin un maliit naming puhunan gusto naming magka FDA kaso ang hirap pala.

Kaya naisip ko pano kaya nakapag comply ng FDA un maliliit na homemade sellers sa tiktok na if titingnan mo wala rin naman silang production facility na gaya ng nirerequire ni FDA.

May iba pa bang way para magka FDA? kung meron, paano po kaya? Sana may makasagot dito.

Posted Apr 10, 2026, 12:53 AM UTC

38
Loading comments…