Sobrang toxic ng Reviewer ko (Long post)

Para malaman ng lahat kung bakit inis sa akin yung workmate ko, heto po ang nangyari. Processor ako at siya naman ang Reviewer (Halos 1 month pa lang ako sa work noon).

Nag-start lahat sa isang error. Nagpasa ako ng for review, inapprove niya, at na-send sa client. Nung nakita ni client na may mali, imbes na akuin naming dalawa (since Reviewer siya), isinumbong niya ako sa TL at pinilit na ako lang ang may kasalanan. Tinanong ko siya noon, "Anong sense ng pagiging Reviewer mo kung ako lang din ang sasalo ng sisi sa huli?" Simula nun, uminit na ang mata niya sa akin.

Ang pinaka-off sa lahat? Nung evaluation ko na. Lahat ng teammates ko, okay sa performance ko. Pero siya? Naglabas talaga ng phone at mayabang na sinabing may "kodigo" siya para hindi makalimutan ang lahat ng isusumbat sa akin. 10-15 minutes akong ginisa sa harap ng lahat. Imagine, a week before my eval, tinatakot na niya ako sa call na "naghahanda na siya ng sasabihin sa akin."

Hindi lang work ang tinitira niya. Pati yung pagiging engaged niya, dinala sa opisina. Nung nag-congratulate ako, sinabihan ba naman ako na "Hindi ka lang masaya kasi naunahan namin kayo ng jowa mo." (Ha? Hindi naman kami nakikipag-unahan). Pati yung bagong staff namin, pinuna niya yung height at itsura dahil iba raw sa resume picture.

Araw-araw ganito. Minsan abot ako ng 12 AM sa backlogs dahil ayaw niya akong tulungan kahit utos ng supervisor. Kapag ako ang may mali, "sinisira ko raw araw niya," pero kapag siya ang mali, "nakakalito kasi."

Wala lang, gusto ko lang i-vent kasi ang bigat na sa pakiramdam. Hindi ko na alam kung bullying ba ito o kailangan ko lang ba talagang mag-adjust o mag-resign na.

Posted Apr 10, 2026, 12:58 AM UTC

10
Loading comments…