Thoughts of wanting to change or modify my career
I am diagnosed with bipolar disorder and I work as a pediatric speech and language pathologist, majority of my caseload have autism spectrum disorder. These past few days, natitrigger ako sa mga students ko. May moments sa work na naiirita ako sa mga bata na handle ko pero syempre I don't let those feelings get in the way while working with them.
Ang mga instances na kinaiinisan ko ay kapag nagkakalat sila or nambabato ng gamit, disgusting moments related to bodily fluids, naglulupasay sa floor at ayaw magcooperate, or kapag nananakit sila. Calm pa rin ako on the outside pero deep inside, pakiramdam ko para akong sasabog sa inis at irita na tipong gusto ko na siya iiyak dahil ang dami kong nararamdaman at the same time.
I also felt this way before mag start ang april. I noticed na may pattern, na every time bago ako magkaroon ng period, I always feel this way. I am also diagnosed with PCOS and I'm taking pills.
Everytime these thoughts and feelings would come up, ang naiisip ko:
-
Hanggang kailan ko pa ba kayang ihandle ang mga batang may ASD? May point talaga na nauubos na pasensya ko sa kanila, na gusto ko na sumuko.
-
Dapat na ba akong magchange ng population (adults) para di na physically draining for me?
Naiintindihan ko naman na hindi kasalanan ng mga bata na ganun sila. Sadyang may pagkakataon talaga na gusto ko na sumuko at magkaroon ng bagong start. Sana eventually magkaroon ako ng clarity, kung anong path ba talaga ako fit.
Posted Apr 23, 2026, 9:40 AM UTC