Car detailing as a self-employed teenager
nagbabalak ako ng car detailing business nang mag-isa as a 17 yrs old (male if needed to be mentioned) as a side hustle ngayong bakasyon at sana hanggang magpasukan. ang target na puhunan ko for my items is 5k for blower vacuum na wet and dry na, pressure washer (1200 psi), detailing brush kit, drying towels, and cleaning agents.
nagkaroon kasi ako ng interes dahil na rin sa nakikita ko sa tiktok, mga teenagers na nag-start ng car detailing business na nagd-door to door. ngayon ang problema ko bukod sa wala pa akong puhunan, ay ang lahat ng mga nakikita ko ay sa ibang bansa. wala pa akong nakita na self employed teenager na nag-start ng same business.
sa inyo bilang mga car owners, may kumatok sa pinto niyo na nag-aalok ng car detailing service, tatanggapin niyo ba?
may mga kakilala ba kayo na nag-try na?
whatever you can tell me pls, I don't want to take a big risk with unsure reward.
one thing also, nai-consider ko rin window cleaning kaso jalosi naman tipo ng mga bintana dito sa Pilipinas.
Posted Apr 24, 2026, 8:25 PM UTC