Biglang hindi nakalakad na pusa
Hi, everyone! Please badly need your help meron po ba dito same case ng stray cat na inaalagaan ko. Month of Feb, napansin ko —pauga-uga siya maglakad parang lasing, pero hindi ko pinansin kasi umookay naman ulit lakad niya. Pero nito april nawalan na siya ng gana kumain, ang laki ng pinayat. Hindi niya na nauubos yung food na dati ubos niya. Biglang nagulat kami pagapang nadin siya maglakad hanggang nung isang araw totally hindi na siya nakalakad parang na paralyze nanigas paa niya. Please sobrang stress nako, pinasok ko na din siya sa bahay. Every 2-3hrs pinapainom ko siya ng water with dextrose tapos force feed din ilang araw nako puyat at stress di ko alam pano siya ulit makakalakad 😢💔
Posted Apr 29, 2026, 6:55 AM UTC
35