Ano ang opinyon niyo sa mga lumilipad?
Been playing since 2016 but really active nung 2018 onwards.
Dati sobrang purist ko sa game na nakikipag-away pa ako sa mga "flyers" sa gc namin.
Muntik pa ako makipagsuntukan nun. Pero as I grew older and saw the decline of number of players, parang unti unti ko natanggap na okay lang mga flyers. Lalo na nakakatulong sila sa mga raids at pagpatay sa mga overdue na sa gyms.
Yung dati naming community na nasa 30+ players, swerte na ngayon kapag may tatlong dumating sa Raid Hour.
Yes, against siya sa TOS ng Pokemon Go but I've seen people do things na against din sa TOS ng Pogo tulad ng pa-pilot at having more than one account. Same violation lang mga to pero highly called out ang flying.
Kayo ano ang opinyon niyo?
Posted Apr 29, 2026, 7:49 AM UTC