Long weekends are just the best!
Kapag 3 or more days ang "weekend" or holidays, sobrang saya ko. Hindi dahil ayoko na bumalik sa work, pero dahil kapag ganitong more than 2 days ang non-work day, parang mas marami ako na-aaccomplish sa buhay. Alam mo ba yung feeling na parang mas "kumpletong tao" ka? Ganun.
Pag ganitong araw, yung gising ko mas magaang. Nilalasap ko yung pagsikat ng araw habang nagkakape; pinapanood yung pag liwanag ng paligid. Hindi ko maipaliwanag yung saya kapag nakikita ko kung pano pag-ugoy mga sanga at dahon ng puno sa hangin, yung huni ng mga ibon, yung unti-unting pag angat ng mga tunog ng sibilisasyon; yung amoy ng mga nilulutong agahan, yung paghabol ng mga bata sa nagtitinda ng taho... ramdam mo ba to?
Pag ganitong long weekend, nakukumpuni ko yung mga sira sa bahay, napapansin ko kung aling gamit na yung mga dapat palitan o pwede pa gawan ng paraan. Mga ganitong pagkakataon ko nakikita na tumatanda na nga talaga ang magulang ko, at nagbabago na ang kapaligiran. Mas nabibigyan ko ng atensyon yung pagkain, nakakalaro ko alaga ko.
Pag ganitong mahaba ang oras para magnilay-nilay, mas lalo akong lumalayo sa social media. Lalo ko na eenjoy ang tunay na mundo... mamasyal man na nakasasakyan o hindi. Alam ko namang madali rin to matatapos. Tapos Lunes na naman...
Kaya hanggang kaya ko lasapin ang mga oras na akin, lulubusin ko yung pagramdam ng bawat sandali.
Happy Labor Day sa lahat ng mga manggagawang lumalaban nang patas!
Posted May 1, 2026, 3:38 AM UTC