Biyenan na nangungutang
Any experience po mga mi sa biyenan nyo na nangungutang sa inyo? Humihingi kasi si FIL ko sakin ng 1k, wag ko raw sasabihin sa asawa ko, pandagdag puhunan niya raw. Di ako nagpapautang sa ibang tao pero ang hirap tanggihan pag biyenan mo huhu. Yes 1k lang naman yun, pero medyo hirap din kami ngayon dahil sa sabay-sabay na gastusin sa binyag at mga bills. Kaso yun nga, dahil nasa mahirap na posisyon ako para tumanggi, pinahiram ko naman (alam ko di na ibabalik). Kinwento ko sa asawa ko (para lang aware sya sa parents nya) tapos nainis siya sakin kasi sinasanay ko raw at di ako makatanggi.
Hay ang hirap ng posisyon ko mga mi. May same bang experience na ganito? Ang hirap tumanggi sa biyenan.
Posted May 1, 2026, 3:39 AM UTC
48