Ayaw ko na magtrabaho.
Nahihirapan na’ko mag-work. 15 years old ako nung nag start mag work, and I stopped at 16. Then pagdating ng 18, nag work ulit.
Napapagod na’ko i-carry lahat ng responsibility sa bahay namin. Maglinis, magluto, mag-asikaso ng mga errands, at magtrabaho. (Btw, bunso ako.)
Nahihirapan na rin ako sa dami ng trabaho at pangit na trato—favouritism, unfairness, at sama ng ugali ng mga managers. Pag nagtatrabaho ako, parang me vs. the world. Harap-harapan kang aawayin ng manager sa harap ng customer, at sobrang tatamad—puro naka-upo lang, tapos ang tagal pa magpa-discount.
Bukod dun, kahit hindi mo trabaho, kailangan gawin mo kasi walang gagawa. Ikaw yung uutusan nila kaysa dun sa mga matagal na, kahit hindi mo naman dapat i-turn over yun. Ang sasabihin nila, kasama yun sa gawain mo, at mas papanigan nila yung iba. Tapos ipaparamdam nila na ikaw palagi yung mali at mabagal. Kapag may hindi pumasok or hindi nila in-approve yung RO kahit valid, bibigyan pa rin ng schedule, tapos hindi papasok yung crew. Hindi man lang gawan ng paraan na hanapan ng kapalit, kaya ang nangyayari, nadadagdagan station mo.
Bakit ba kasi hindi pwedeng mag-resign nang walang back-up plan? Napapagod na’ko. Hindi ko na ma-imagine na magtagal pa dun. Pero no choice ako kasi ako lang may trabaho sa bahay namin 🥺 Ako lang din ang nagbabayad ng lahat.
Posted May 1, 2026, 5:56 PM UTC