Corrupted SD Card Help
Hello! Possible po ba na ma-retrieve yung images/videos ko sa isang SD card. I think na-overwrite po siya. Na-overwhelm ako sa information online at iba-iba ang sinasabi.
Nag-try na rin po akong gumamit ng third-party software para ma-retrieve sana pero hindi raw po makita yung files. Na-try ko na po kasi similar software para sa computer, gumana naman.
Wala pa po akong ginagawa sa SD card maliban doon na parang nag-scan lang naman yung software. Hanggang ngayon, pag nagre-request yung camera ko na i-format ko raw muna bago gamitin ulit yung card, hindi ko po ginagawa.
Nag-start po ako mag-take ng pictures/video ko dahil nalulungkot ako na wala akong mga ganun most of my life. Tapos ito pa mangyayari nung first solo travel ko pa.
Btw, my camera po is Osmo Pocket 3. Not sure if ano yung SD card, pero mukhang cheap or fake ito na ginamit ko lang kasi napuno yung storage nung 2 kong dala pa na SD card. Pero nagamit ko na po kasi to dati ng walang problem.
Ano po bang dapat gawin?
Posted May 2, 2026, 4:14 AM UTC